November 24, 2024

PH, 13TH MOST POPULOUS COUNTRY SA MUNDO – WORLD BANK

Ilang buwan ang nakakalipas, inanunsiyo ng Commission on Population and Development (CPD) na nirebisa nito ang kanilang projection para sa population count ng Pilipinas noong 2023. Ini-adjust ng naturang ahensiya ang kanilang initial estimate mula 115 milyon sa 112 milyon dahil sa, “drop in the number of births and high mortality rates.”

Gayunpaman, sa recent data mula sa World Bank, mas accurate raw ang original projection ng CPD sa nirebisang una.

Nitong 2022, pumangalawa bilang most populous country sa Southeast Asia, na mayroong 115 milyon populasyon.

Pasok din sa recent date ang archipelago sa ika-13 na puwesto na may pinakamalaking populasyon sa mundo at isa sa tanging dalawang bansa sa Southeast Asia na nagawang makapasok sa top 15.

Lumalabas na mayroong higit 58 milyon na lalaki at halos 57 milyon na babae mayroon dito sa Pilipinas.

Lumalabas din sa datos ng World Bank na 71 years ang (average) life expectancy o haba ng buhay ng babae, habang 67 sa lalake.

Sa kabilang dako, ang India pa rin ang nangunguna sa may pinakamaraming populasyon na bansa sa mundo – na may 1.4 bilyon na populasyon. Pumapangalawa ang China at pangatlo ang United States.