
Inaasahan ang panibagong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) nitong Biyernes.
Ayon kay DOE-OIMB Assistant Director Rodela Romero, tinatayang tataas ang presyo ng mga sumusunod:
- Gasolina: P0.95 hanggang P1.40 kada litro
- Diesel: P1.50 hanggang P2.00 kada litro
- Kerosene: P1.30 hanggang P1.40 kada litro
Ipinaliwanag ni Romero na ang inaasahang pagtaas ay bunsod ng kasunduan ng Estados Unidos at China na magbawas ng taripa sa karamihan ng mga imported goods sa loob ng 90-araw na “pause.”
Bukod dito, kabilang sa mga dahilan ang pagpapataw ng US ng sanctions laban sa halos dalawang dosenang kompanyang sangkot sa kalakalan ng langis ng Iran.
Dagdag pa ni Romero, inaasahan din ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) ang mas mabagal na pagtaas ng oil supply sa 2025 at pagbawas sa kapital na paggastos dulot ng pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Inaasahang iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na price adjustments sa Lunes, na ipatutupad naman sa Martes.
More Stories
GSF MASTER CRISANTO CUEVAS AWARDEE SA GABI NG PARANGAL NG GILAS 2025
Balik-Liderato? Sotto Kinausap ng Ilang Senador Ukol sa Senate Presidency
PHLPost, Nais Tulungan ang Kadiwa ng Pangulo sa Logistics at E-Commerce