December 24, 2024

PETRO GAZZ ANGELS VS CREAMLINE COOL SMASHERS ‘ TRILOGY”,ANALYSIS, SINO ANG LAMANG?

Sa ikatlong pagkakataon, maghaharap ang Petro Gazz Angels kontra Creamline Cool Smashers. Ngayon ay magtutuos sila sa best-of-three Open Conference Finals.


Ang dalawang koponan ay nakakamadahan ng mga talented volleybelles. Lalo na ang Cool Smashers. Pero, di pahuhuli rito ang Petro Gazz.


Sa una nilang pagharap sa finals, nakuha ng Angels ang first blood noong 2019 PVL Reinforced Conference.


Nakabawi naman ang Creamline via 2-game sweep noong 2019 PVL Open Conference. Kaya, kapwa na sila tabla sa 1-1 sa series.


Creamline’s Strength


Walang dudang favorite ng fans ang Cool Smashers na magwagi sa finals. Ito ay dahil sa karisma ni Alyysa Valdez. Ang tinaguriang ‘Phenom’ ay isa rin sa pinakamagaling na volleybelle sa panahon ngayon.
Kasama niya sa team ang ilan sa birador ng UAAP volleyball teams. Kabilang na si Jema Galanza ng Adamson at Risa Sato ng NU. Gayundin si Julia Morado-De Guzman ng Ateneo, Celine Domingo ng FEU at Tot Carlos ng UP.


Angel’s Strength


De kalibre rin ang nasa line-up ng Petro Gazz. Masasabing delikado ang piyesa nila na dapat paghandaan ng Creamline.Nariyan si Myla Pablo, Nicole Tiamzon, Remy Palma MJ Philips at Aiza Pontillas.


Head to head match-up
Libero


Ibabandera ng Creamline sa posisyong libero sina Kyle Atienza at Jorella De Jesus. Pambato naman ng Angels sina Mary Arielle Cruz at Shiela Pineda. Sa match up na ito, medyo limayado ang Creamline.


Result: Creamline


Outside Hitter


Ilalatag ng Creamline sina Jema Galanza at Fille Cayetano. Gayunin si Alyssa Valdez at Rosemarie Vargas. Sina Jonah Sabete, Nicole Tiamzon at Gretchen Soltones naman sa Angels. Sa star power performance, lamang ang Creamline.


Result: Creamline


Opposite Hitter: Pambato ng Creamline sina Tots Carlos, Riza Mandapat at Mag-aangas naman para sa Angels si Aiza Pontillas. Handicap ang dating nito sa posisyon. Kaya lamang ang CCS.


Result: Creamline


Middle Blocker: Kakatawan sa Cool Smashers sina Celine Domingo, Jeanette Panaga, Risa Sato at Ma. Paulina Soriano. Lalagare naman sa Petro Gazz sina Mariella Gabarda, Myla Pablo, Remy Palma, MJ Philips at Seth Rodriguez. Sa senaryong ito, mas lamang ang star power ng Angels.


Result: Petro Gazz


Setter: Sasalya para sa Cool Smashers si Julia Morado- De Guzman at Kyle Negrito. Kakana naman sa Angels si Djanel Cheng at Relea Saet. Kug titimbangin, medyo lamang ang Cool Smashers dahil kay Julia. Pero, iba ang mentalidad ni Cheng at Saet.


Result: Petro Gazz


Defense Specialist: Pambato ng CSS sina Risa Sato, Jeanette Panaga at Celine Domingo. Manok naman ng PGA sina MJ Philips, Remy Palma, Aiza Pontillas at Seth Rodriduez. Pero, mas matitinik at bulldog sa depensa ang Angels. Lalo na ang swag ni Palma.


Result: Petro Gazz


Star Power: Pangungunahan ni Alyssa Valdez, Jia De Guzman, Jema Galanza, Tots Carlos, Risa Sato at Jeanette Panaga ang Creamline. Kakatawan naman sa Angels sina Myla Pablo, Gretchen Soltones, Remy Palma, MJ Philips, Nicole Tiamzon at Aiza Pontillas. Base sa perpormance at esksperyens, medyo tabla ang dalawa.


Result: Tie

Fan’s Pick: Nakikita ng mga ans na mas malakas ang karisma ng Cool Smashers. Lalo na ang dating ni Alyssa Valdez. Kaya, marami ang nagro-root sa Creamline na magkampeon. Pambawi umano sa pagkatalo nila sa Chery Tiggo noong nagdaang Conference.

Result: Creamline by 2-1 series

Editor’s Pick: Uhaw din ang Petro Gazz sa kampeonato kung papaanong uhaw ang Cool Smashers. Sa senaryong ito, medyo mas may puso at angas ang Angels.

Result: Petro Gazz by 2-1 series