
BACARRA, Ilocos Norte— Nilikida ng Petro Gazz Angels ang Black Mamba Army sa kanilang match-up sa PVL Open Conference.
Dinurog ng Angels ang Lady Troopers sa four sets, 25-19, 22-25, 25-20, 25-21. Ang laro ay idinaos sa PCV Socio-Civic Cultural Center.
Bumida sa panalo ng Angels sina Ces Molina at Myla Pablo. Nanguna ang dalawa sa 5-1 spurt, 16-10 sa fourth set. Naging dahilan naman sa pagkatalo ng Black Mamba ang late errors.

Naantala ang laro ng 2 team ng mahigit sa isang oras ( 70 minuto). Ito ay dahil sa epekto ng patuloy na pagbuhos ng ulan sa Bacarra. Muling naantala ang laro sa second set at na-resumed matapos 3 oras at 40 minuto.
“At leas,t going to our next game, at least, nakalaro kami nang ganito para makita pa namin yung kailangan naming i-improve.”
“So ayun, given na may circumstances na nade-delay, yun yung mindset naman namin whatever challenges na humarap e-embrace lang namin,” saad ni Angels head coach Arnold Laniog.

More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT