December 24, 2024

Patay na ekonomiya gawa ng pulitika

Mga Cabalen, totoo nga kayang patuloy ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa dahil umiiral ang political interest at hindi ang kabuhayan nating Pilipino?

Maliban sa epekto ng Covid-19 na nagpasara sa napakaraming kumpanya, tila isang malaking dahilan pa din ng matamlay na ekonomiya ng bansa ay ang pulitika. Ito’y ayon sa mga nasa saloobin ng ating mga kababayan na nawalan ng hanapbuhay dahil sa epidemya.

Nakakatakot kung isipin na umabot na sa 7.3 milyong Filipino o 17.7 porsiyento nitong Abril pa lamang ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa covid 19. Marami sa atin ang umiiyak. Dahil sa dami ng bayarin subalit walang mapagkunan.

Lahat ng sektor ay tinamaan ng kawalan di-umano ng pakialam ng mga mayayaman at ma-impluwensiyang angkan sa bansa. Ito ang mga pulitikong walang inintindi kundi ang sariling kapakanan.

Inutang na ng ating mga kababayan ang lahat ng klase ng pautang mula sa SSS at GSIS para lamang makaraos sa lahat ng obligasyon. Ang ramdam ng ating mga kababayan, tila tayo yata iginigisa sa sarili nating mantika.

Nag-iingay ang business sector subalit walang magawa. Itinuloy ng pamahalaan ang pagsasara ng lahat ng programa ng ABS-CBN.

Isa pang isyu mga Cabalen ay ang ginawang Caravan ng supporters at mga manggagawa ng ABS-CBN— na nananawagan na muling bigyan ng prangkisa ang ipinasarang istasyon. Nagtipon muna  ang mga protesters sa harap ng Commission on Human Rights (CHR) sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, bago pumunta sa House of Representatives.

Kasama rin sa isinagawang Caravan ang Kilusang Mayo Uno, ilang media at Kapamilya stars.

Habang tinitipa natin ang suplemento sa pitak na ito mga Cabalen, ngayong araw pagpapasyahan ng Kamara kung ano ang magiging kapalaran ng Kapamilya. Kung mabibigyan ba sila ng franchise renewal o hindi.

Muli na namang naghain ng petisyon sa Supreme Court ang Makabayan bloc sa pamumuno ni dating Cong Neri Colmenares

Ilan sa kinukuwestiyon nila ay nakasaad sa Section 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11 at 12; (b) Sections 25, 26, and 27; at (c) Section 29 ng batas. Ang mga nasabing probisyon ay may kinalaman sa pagde-define ng terorismo, paggagawad ng kapangyarihan sa ATC para magdeklara sino ang terorista at pagpapakulong dito nang walang judicial warrant hanggang 24 araw. 

Kabilang sa mga naghain ng petisyon sa pagbubukas ng Korte Suprema kahapon ay sina Atty. Howard Calleja, dating Education Secretary Arnub Luistro, mga FEU Law Professors gaya ni Atty. Mel Sta. Maria, UP Law at Professor Christopher Lao.