
TINABLA ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang petisyon ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na naglalayong itaas sa P1,007 ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Labor and Employment, RTWPB-National Capital Region (NCR) hindi sakop ng kanilang hurisdiksyon ang petisyong inihain ng TUCP.
Nabatid na naghain noong Marso 14 ang TUCP ng isang petisyon upang ihirit ang P470 umento sa sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila na karagdagan sa kasalukuyang minimum wage na P537.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang TUCP sa ginawang pagbasura ng RTWPB sa inihain nilang petisyon dahil ipinapakita lamang ng wage board ang kanilang pagkiling sa interes ng mga negosyante sa bansa imbes na sa mga manggagawa.
Maghahain ng bagong petisyon ang grupo sa regional wage board sa Metro Manila.
More Stories
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
‘TOL’ Tolentino Nagpugay sa 22-Medal Haul ng PH Kickboxing Team na Sumabak sa Bangkok World Cup
MGA NAGING TAGUMPAY NG 550th AIR BASE GROUP SA BUWAN NGMARSO 2025