NAGHAIN ng petisyon sa Korte Suprema ang grupo ng mga petitioner na naglalayong hadlangan ang paglipat ng P89.9 bilyon na pondo ng Philhealth sa national budget.
Kabilang sa mga naghain ng petition certiorari and probation sa High Court ngayong araw, ay sina dating Department of Finance (DOF) Undersecretary Cielo Magno, Constitutional Law Expert Dante Gatmaytan, Philipipine Medical Association, at iba pa.
“The pilfering of the reserve funds is a grave disservice to the Filipino people who depend on PhilHealth for financial risk protection from illness and who are still heavily burdened by out-of-pocket health expenditure. With consistently rising inflation and worsening social conditions, it is imperative that these funds be used exclusively for the implementation of the Universal Health Care (UHC) Act, the expansion of benefit packages, and the reduction of premium contributions,” ayon sa grupo.
Sa kanilang petisyon, hiniling ng grupo sa SC na maglabas ng temporary restraining order para maiwasan ang paglipat ng pondo.
Hiniling din nila sa SC na ipawalang-bisa ang Department of Finance (DOF) Circular 003-2024 at probisyon sa General Appropriations Act 2024 habang nakabinbin ang pagresolba ng kaso.
Hiniling din ng mga petitioner na utusan ang DOF na ibalik sa PhilHealth ang anumang pondo na maaaring nailipat kasunod ng circular.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA