NAGHANDOG pa ng dalawang gintong medallya para sa Pilipinas sina Tokyo Olympics silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam upang madagdagan pa ang gintong ani ng Team Philippines sa papatapos nang 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 sa Phnom Penh.
Pinangunahan nina Petecio at Paalam ang 3-of -5 golden finish ng Pinoy pugs sa pagtiklop ng boxing competitions habang ang PH arnis ay nag-deliver ng 2 golds kasunod ng tig-isa pang ginto sa weightlifting,judo at esports.
Dinomina ni Paalam si Aldoms Suguro ng Indonesia sa men’s bantamweight class kasunod ng pangingibabaw ni Paetecio sa Indonesian ding karibal sa women’s featherweight division.
Ang 9 na gintong wagi ng Team Philippined ay umangat sa 46 sapat na upang lagpasan ang karibal sa 5th place na Singapore na napako sa 42 golds.
More Stories
World Slasher Cup nakatakda sa Jan. 20-26 sa Araneta Coliseum
BONG GO: BIKOY DAPAT MAGPATINGIN SA MENTAL HOSPITAL!
2 bata nagasaan ng taxi sa Caloocan, 1 patay, 1 sugatan