December 25, 2024

PERYANG MAY SUGALAN SA  RIZAL TULOY-TULOY PA RIN

Tapos na ang Pasko’t Bagong Taon, pero tuloy-tuloy pa rin ang peryaan na mayroong illegal gambling tulad ng color game.

Ito’y sa kabila ng isinagawang pagdinig sa Senado kung saan ibinulgar ng mga peryante groups ang umano’y pangongotong ng ilang opisyal ng PNP.

Subalit dito sa Floodway fishport sa Taytay, Rizal, patuloy pa rin na nag-o-operate ng color game at drop ball itong si alyas Rambo kung saan karamihan sa mga mananaya ang mga kabataan.

Nabatid na mahigit ng isang taon ang operasyon nito na matagal ng inirereklamo ng mga residente sa kanilang barangay chairman at Taytay PNP subalit wala pa ring aksyon ang mga awtoridad. Ganito rin ang siste sa Brgy San Lorenzo sa Taytay Rizal na pag-aari ng isang alyas Ramil na patuloy din ang pag-operate ng illegal na colorgame.

Talamak din ang illegal na sugal na color game sa Blue Mountain Highway sa Antipolo na isang buwan ng nag-o-operate.

Hiling ng mga residente na bunutin na ang nasabing mga pasugalan dahil karamihan sa mga mananaya ay mga menor dedad.

Nananawagan din sila kina DILG Sec. Benhur Abalos at sa provincial director ng PNP-Rizal na ipatigil na ito dahil paglabag umano ito sa PD 1602 o illegal gambling. DOMINICO BARBA JR