December 24, 2024

Personal remittance ng mga Manggagawang Filipino tumaas, ayon sa BSP

SA gitna nang nagaganap na pandemic, malaki ang itinaas ng personal remittance  mula sa land-based na mga manggagawang Filipino sa ibang bansa [OFWs] ngayon buwan ng Setyembre 2020.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas [BSP] nagkakahalaga ng US$2.888 billion ang personal remittance ng OFWs  ngayong September 2020, o pagtaas ng 9.1 percent kumpara noong   September 2019 na US$2.648 billion.

Sa report ng BSP,  umaabot na sa kabuuang US$24.302 billion ang personal remittances ng mga OFW sa loob nang nakalipas na unang siyam na buwan ng 2020.

Ayon pa sa BSP,  tumaas naman ng  6.5 percent  ang remittances mula sa sea-based workers and land-based workers na may kulang sa isang taong kontrata, o kabuuan na  US$622 million ngayong September 2020 mula sa US$584 million sa nakalipas na taon.

Maging ang cash remittances ng Overseas Filipino workers [OFW] na pinadala sa mga banko ay tumaas ng  9.3 percent o US$2.601 billion nitong September 2020 mula sa  US$2.379 billion noong  September 2019. Mula naman Enero hanggang Setyembre 2020, ang  OF cash remittances ay umabot sa US$21.886 billion, o mas mababa nang bahagya o 1.4 percent mula sa US$22.187 billion noong isang taon.