Maraming supporters ni presidential aspirant Bongbong Marcos ang nagrereklamo sa social media, partikular sa Facebook. Anila, sinususpendi ang account nila kapag binabanatan ang karibal nito sa posisyon na si VP Leni Robredo.
Kapag nagpost kasi sila ng pang-aalaska kay VP Leni, tiyak na mamalasin ang account mo kapag natiyempuhan ng fact checkers ng FB dito sa Pilipinas. Tsk! Kaya, ang iba ay napi-Facebook jail o dili kaya’y temporarily suspended ang account mo sa loob ng 28 araw.
Anila, isa itong persekusyon bilang isang BBM supporter o kahit sa hindi. Basta natiyempuhan ka na inaalaska si VP Leni, may kalalagyan ka. May sitsit din na kaalyado raw o kakamPink ang Facebook manager dito sa ating bansa. Kaya, sasalain ang mga post na nambabanat sa manok ng kakamPink. Karamihan sa biktima ng account suspension ang mga pamosong personalidad na supporters ng Uniteam. Kaya, ang iba sa kanila ay nagpahaging sa pamamagitan ng open letter na pinararating sa kinauukukan. Lalo na kay Facebook owner Mark Zuckerberg.
Nasisikil kasi ang kanilang opinyon sa malayang pagpapahayag ng saloobin. Bagay na parang isang gawi ng diktsturya sa social media. Maging ang mga ordinaryong netizen ay napuntirya rin. Kaya, ang iba sa kanila ay gumawa ng panibagong Facebook account.
Ang iba naman ay suwerteng di natengga ang account sa kabila ng political posts na bumibira sa manok ng kakamPink. Di rin nakaligtas sa matang mapagmatyag ang mga comments. Kaya, umaaray ang mga supporters ni BBM.
Maliwanag na sinisikil sila at dito napatutunayan kung sino raw talaga ange tunay na napipisil ng taumbayan na ihalal. Kaya, banat nila, ipalalasap nila ang sweet revenge sa darating na halalan sa Mayo 9. Magkagayunman, di dapat ito ginagawa ng kung sinoman ang nasa likod nito. Na halata naman aniyang kumikiling sa kalaban ng Uniteam.
More Stories
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS
Ang Disyembre ay Buwan ni Rizal
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo