
WALA na sa Star Magic ang aktres na si Bea Alonzo.
Ito ang kinumpirma ng industry insider sa isang news portal.
Ang Star Magic ay ang talent management arm ng ABS-CBN, at si Bea ay itinuturing na isang homegrown talent at isang A-lister.
Si Bea ay naging bahagi ng Star Magic Batch 10 noong 2001, at kabilang mga ka-batch niya ay sina Dennis Trillo, Alfred Vargas, Nadine Samonte, TJ Trinidad, at Karel Marquez.
Una siyang napanood sa programa ng K2BU noong 2002, kasama sina Pia Wurtzbach at Shaina Magdayao.
Ang A-lister ay ang pangalan ng mga artist na may premium box-office, television ratings, endorsement, at fan base.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC