Nagpositibo sa COVID-19 ang 7 players ng PVL team na Perlas Spikers. Pati ang kanilang coach ay tinamaan din ng virus. Nasa Baguio ang buong team dahil sa training camp para sa kanilang preparation sa Open Conference ng league sa July 17.
Nagsimulang magsanay ang Perlas noong May 30 sa Saint Vincent Gym.
Mismong ang opisyal ng team ang nagpahayag ng kondisyon nila. Pero, iginiit ng Perlas na hindi nila nilabag ang ipinatutupad na health protocols.
Gayunman, nagnegatibo naman ang ibang players at staff ng team sa tests. Habang ang mga nagpositibo ay nasa quarantine facility doon at nagpapagaling.
Tinalima nila ang home-venue, home set-up na binuo ng club at ng lokal na pamahalaan ng Baguio.
Batay sa pahayag ni Perlas captain Jem Ferrer, mali ang mga lumalabas na news patungkol sa kanila. Na umaalis sila sa quarters nila sa Teacher’s Camp. May napaulat kasi na umaalis sila sa kanilang quarters. Kaya, nagkaroon ng virus at doon na sila nagkahawahan.
“We are not billeted in Teacher’s Camp,” ani Ferrer.
“The only places that we go to apart from our accommodation are our court training venue and our gym training,” sabi pa ng ace hitter ng team.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!