Nirespeto nina coach Bo Perasol at Oliver Almadro ang desisyon ng UAAP Board of Trustees na ikansela ang 83rd season ng liga. Ito’y dahil sa patuloy na pag-inog ng pandemic crisis.
“I have no doubt that they only have the best interest and safety of everyone in mind when they made this decision,” ani Perasol, coach ng UP men’s basketball.
Ito ang unang pagkakataon na nagkansela ang liga ng buong season, sapol noong gawin ito noong World War II. Wala noong UAAP season mula 1941 hanggang 1946.
Samantala, si Almadro, coach ng Ateneo Lady Eagles ay nauunawaan din ang desisyon ng board.
“We know they are only after the welfare of the athletes.”
“Of course we’re sad about it because we’ve been preparing since last season but health and safety comes first,”aniya.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo