Nagpahayag si Chief Justice Diosdado Peralta para sa kanyang maagang pagreretiro na epektibo sa Marso 27, 2021, o sa kanyang ika-69 kaarawan.
Nakatakdang sana siyang magretiro sa 2022, o kapag inabot na siya ng mandatory retirement age sa edad na 70.
“For those asking about the purported letter of Chief Justice Diosdado Peralta to his colleagues in the Supreme Court, signifying his intention to avail of early retirement, I have asked him personally and he confirmed it.” “The Chief Justice did not elaborate further but said that he will make a formal announcement in due time, “ pagkukumpirma ni SC Public Information Office chief Brian Keith Hosaka.
Wala namang binigay na rason si Peralta kaugnay sa kanyang maagang pagreretiro.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA