IBINISTO ni Sen. Ronald Dela Rosa na mayroong isang kongresista ang nasgabi sa kanya na si House Speaker Martin Romualdez ang nag-utos sa mga mambabatas para mangalap ng pirma para sa People’s Initiative para sa charter change.
Itinanggi naman ni Romualdez na siya ang may ‘pakana’ ng naturang hakbang para amyendahan ang 1987 Constitution. Nang tanungin kung inatasan niya ang mga mambabatas na mangalap ng pirma, sagot ni Romualdez: “No orders.”
“That’s Senator Bato talking. I don’t know what he’s talking about. He has not mentioned any congressman,” saad ni Romualdez.
Matatandaan na inamin ng People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) na sila ang responsible sa signature campaign para sa charter change na isinasagawa sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon kay PIRMA lead convenor Noel Oñate na kinausap niya si Romualdez patungkol sa signature campaign ng grupo,
Noong nakaraang buwan, sinabi ni Romualdez na top priority ng Kamara ngayong 2024 ay ang charter change.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA