November 23, 2024

PEMBERTON ISA NANG GANAP NA MALAYA (Pinalayas, bansa sa Pinas)


TULUYAN
na nang pinalayas ng Bureau of Immigration ang convicted na sundalong Kano na si Joseph Scott Pemberton, matapos makalaya sa kulungan.

Naging laman ng mga balita si Pemberton matapos niyang utasin ang transgender na si Jennifer Laude noong 2014.

Tiniyak naman na hindi na makababalik pa ang naturang sundalo matapos siyang i-ban sa Pilipinas.

Ayon sa BI, eksaktong alas-9:14 ngayong umaga nang makaalis si Pemberton sa Ninoy Aquino International Airport patungong United States lulan ng isang military aircraft.



 “As a consequence of the deportation order against him, Pemberton has been placed in the Bureau’s blacklist, perpetually banning him from coming back,” saad ni BI Commissioner Jaime Morente.

Isiniwalat ni Morente, noong pang Setyembre 16, 2015 nang mapasama ang pangalan ni Pemberon sa blacklist ng BI, matapos ipag-utos ng Board of Commissioners ang deportasyon nito dahil sa pagiging undesirable alien, makaraang kasuhan ng murder, at kalaunan ay nakulong dahil sa homicide.

Ayon naturang kautusan ay nilagdaan nina BI Chief Siegfred Mison, at mga Deputy na sina Deputies Gilberto Repizo at Abdullah Mangotara.

Nobyembre 2015 nang maghain ng motion for reconsideration si Pemberton, na nasa huli ay binasura rin.

Nakasaad sa resolusyon na ang patuloy na presensiya ni Pemberton sa Pilipinas ay malaking banta sa mga Pilipino.

“His criminal case is separate from his immigration case,” saad ni Morente.

“The Bureau saw that he is a risk to public safety, having been found guilty of the crime.  Hence he was tagged as an undesirable alien, and will be expelled from the Philippines,” dagdag pa nito.

Ipinag-utos ng BI ang deportation ni Pemberton higit tatlong buwan bago ang hito hatulan ng Olangapo, kung saan napatunayan na guilty ito sa kasong homicide at sinistensiyahan ng anim hanggang 12 taon na pagkakakulong.

“Following standard deportation procedures, we had to wait until he completed serving his sentence before we could implement the deportation order,” paliwanag ni Morente.

Kung maalala, nitong buwan lamang nang payagan ang maagang paglaya ni Pemberton ng Olongapo Trial Court matapos ikonsidera na nakumpleto na nito ang kanyang sitensiya. Inilipat si Pemberton sa BI noong Biyernes para sa implementasyon ng kanyang deportasyon.
 
“We have coordinated with the Bureau of Corrections for his turnover to our agents upon his release,” saad ni Morente.