January 23, 2025

Peligrong hatid ng work from home ayon sa United Nations

Magandang araw mga Cabalen. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Talakayin natin ang pahayag ng United Nations (UN) kaugnay sa peligrong ‘work from home’.

Dahil nga sa COVID-9 pandemic, may ilang trabaho ang iniatag na gawin na lang sa bahay. Sa gayun ay iwas hawa at di makahawa.

Naiingatan din ang kalusugan ng mga empleyado. Pero, nag-iba ang ihip ng hangin. Ginagawang pakyawan ng mga nagpapatrabaho ang trabaho ng kanilang mga manggagawa.

May ilang employer na pinaabot sa overnight ang trabaho ng kanilang employee. Kaya, nabahala rito ang UN.

Baka makasama ito sa kanilang kalusugan at magkasakit. Dahil sa kailangan kumita ng mga employee, nasadalak sila sa matitinding trabaho.

Kagaya ng ilang kondisyon sa ibang bansa, magdamag na gumagawa ang mga employee ng shea butte sa Ghana. Paggawa naman ng rattan sa Indonesia.

Tagging photos naman sa bansang Egypt. Sewing masks naman sa Uruguay at teleworking naman sa France.

Karamihan sa home-based workers ay mga babae. Batay sa istatistika ng ILO, 147 milyong kababaihan at 113 kalalakihan ang nagtratrabaho sa bahay, sapol noong 2019.

Gayunman, gayun pa rin ang kinikita nila. Sinabi ng UN na dapat tratuhing mabuti ng employer ang kanilang mga employee.

Na dapat isaalang-alang ang kalusugan ng mga ito.