
Dinagit ng New Orleans Pelicans ang Los Angeles Clippers sa isang blow-out win, 113-89. Nanguna sa panalo si Brandon Ingram na bumanat ng 24 points, 6 assists at 5 boards.
Nag-ambag naman si Jonas Valanciunas ng 18 points at 16 rebounds. Kumana ng 15 points at 3 boards para sa Clippers si Terance Mann. Habang nag-ambag naman ng 12 points si Marcus Morris.
Serge Ibaka naman ay bumira ng 10 points at 6 rebounds. Sa 2nd quarter pa lang ay gumana na ang magandang oepnsa ng Pelicans. Kung saan, tinambakan nila ng 20 points ang Clippers, 42-22. Mula run ay di na sila nagpatinag.
Sinamantala naman ng Oklahoma City Thunder ang pagkawala nina Kevin Durant at Kyrie Irving. Dahilan upang punitin nila ang Brooklyn Nets, 130-109.
Bumida si Shai Gilgeous-Alexander sa panalo ng Thunder na nagtala ng 27 points. Kasama na rito ang 10 rebounds, 9 ast at 2 blocks.
Si Josh Giddey naman ay bumira ng 19 points 7 assists at 3 boards. LUmagare naman si James Harden sa Nets ng 26 points, 9 assists at 7 rebounds.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT