TIMBOG ang isang nagpapanggap na pulis sa isinagawang buy-bust operation ng City Drug Enforcement Team ng Antipolo CPS sa pangunguna ni Police Lieutenant Bernard Nazareno Tannagan.
Kinilala ni Antipolo City Chief of Police Lieutenant Colonel Jose Arandia ang suspek na si Jeffrey Sudario Ikeda, alyas Jeff, 36, na nadakip dakong alas-9:40 ng gabi noong Lunes sa harapan ng isang subdivision sa Barangay San Jose, Antipolo City.
Nakumpiska sa suspek ang isang ID na ginagamit nito kasama ang ilang pakete ng droga.
Ayon sa imbestigasyon, sakay ng kanyang kotse ang suspek na may blinker, kung saan isang pulis ang nagpanggap na bibili ng droga.
Pagkabigay ng hudyat ay nakatunog si Ikeda na pulis ang kanyang katransaksyon at nagbalak pa itong tumakas ngunit agad naiharang ng mga operatiba ang kanilang mobile patrol na ikinasugat ng isang pulis na dinala agad sa malapit na pagamutan.
Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165, usurpation of authority, physical injury, malicious mischief at resisting arrest ang suspek.
Sa ngayon ay patuloy ang Antipolo police sa background investigation sa pinanggalingan ng pekeng police ID kasabay ng panawagan ni Arandia sa mga nakakakilala sa suspek na nabiktima nito na magsadya sa kanilang tanggapan upang magsampa ng reklamo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA