
SWAK kulungan ang 24-anyos na lalaki nang matiyempuhan ng totoong mga pulis na nakasuot ng uniporme ng pulis at makuhanan pa ng baril sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, mahaharap ang suspek na si alyas “JP”, ng Brgy. Maysan sa mga kasong paglabag sa Article 179 ng Revised Penal Code o Illegal Use of Uniforms and Insignia at R.A 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions in relation to B.P. 881 (Omnibus Election Code).
Ani Col. Cayaban, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Bignay Police Sub-Station 7 bandang alas-9 ng gabi, sa Ulingan West St., Brgy., Lawang Bato, nang maispatan nila ang suspek na nakasuot ng uniporme ng pulis.
Nang tanungin nila si alyas JP, nalaman na hinid ito totoong pulis kaya agad siyang inaresto nina Pat Pimentel Bolibol at PSSg Chryrus Jan Bancolo at nang kapkapan, nakuha sa kanya ang improvised shotgun (sumpak) na may isang bala ng 12 gauge.
Paliwanag ni SS7 Commender P/Capt. Albert Verano, ang olive green BDU shirt na ginamit ng suspek ay isinusuot panloob sa pixelized long sleeves uniform ng pulis, at ang GOA pants na ginamit ay ang blue pants na uniporme ng pulis na hindi dapat ipinagteterno base sa sinusunod ng PNP.
Payo naman ni Col. Cayaban, sa mga nagnanais maging pulis, “Magsikap sana kayo na makatapos ng pag-aaral para makamit ninyo ang inyong pangarap.”
More Stories
Villar Sinimulan ang Kanyang Congressional Bid sa Pamamagitan ng Misa
2 HVIs drug suspects, tiklo sa P1.3M shabu sa Caloocan
Sulong sa panibagong Las Piñas!