SHOOT sa selda ang isang lalaki matapos mabisto ang baril at shabu makaraang masita ng totoong mga pulis dahil pagsusuot ng PNP uniform sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 6 Commander P/Cpt. Manuel Cristobal ang naarestong suspek na si Mark Alejandro Nato, 39, ng No. 38 C. Race St., Brgy., Lingunan.
Sa kanyang report kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, sinabi ni Cpt. Cristobal na habang nagsasagawa ng police visibility patrol sa kahabaan ng C. Race Street ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PSMS Roberto Santillan, kasama sina PSSg Ricardo Santos Jr, PCPL Bryan Bagtas at PCPL Roniel Reyes nang mapansin nila ang suspek na nagpulis-pulisan dahil sa hindi maayos na pagsusuot ng uniporme ng pulis, dakong alas-8:50 ng gabi kaya sinita nila ito.
Nang hanapan siya ng awtorisasyon sa pagsusuot niya ng PNP uniform ay walang naipakita ang suspek ng kahit anu kaya inaresto siya ng mga pulis dahil sa paglabag sa Illegal Use of Uniforms and Insignia.
Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang improvised hand gun (pen gun) na may isang bala ng cal. 38, isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,720, cellphone at coin purse.
Ani PCpl Christopher Quiao, kasong paglabag sa Art 179 of RPC (Illegal Use of Uniforms and Insignia), Section 11 (Possession of Illegal Drugs) under Art. II of RA 9165 at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions) in relation to Comelec Resolution No. 10918 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
More Stories
DA NAGSAMPA NG KASO VS IMPORTER NG P20.8-M SMUGGLED NA SIBUYAS, CARROTS
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
OCCIDENTAL MINDORO INUGA NG 5.5 MAGNITUDE NA LINDOL