PERSONAL na inaresto ng mga lehitimong Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) traffic enforcer ang isang 38-anyos na nagpapanggap na traffic enforcer para mangotong.
Kinilala ang suspek na si Marc Leonard Arquero, ng No. 311 Inocencio St., Barangay 95, Tondo, Manila na itinurnover sa Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) para sa kaukulang aksyon.
Ayon kay MTPB Chief Dennis Viaje, nadakip ang suspek habang nagta-traffic at nanita ng mga motorista na sa pagkakaalam niya ay lumabag sa traffic regulations.
Nadakip siya dakong alas-1:35 ng hapon noong Biyernes sa panulukan ng Quirino Avenue at Osmeña Street sa Malate, Manila.
Ayon kay Viaje, isinagawa ang pag-aresto nina MTPB traffic enforncers na sina Angelito Tongol Jr. at Joselito Galicio, kapwa nakatalaga sa MTPB-Sector.
Nakasuot ang suspek ng imitation na jacket uniform ng MTPB at mayroon ding handheld radio nang ito ay madakip.
Nakatanggap ng impormasyon si Viaje kaugnay sa pekeng MTPB enforcer na nag-aabang ng mga motorista sa nasabing lugar para kotongan.
Naghain ng kasong paglabag sa Art. 177 (Usurpation of Authority and Official Functions) at Art. 179 (Illegal Use of Uniform or Insignia) laban sa suspek sa Manila Prosecutor’s Office. (ARSENIO TAN)
More Stories
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
BOC AT ARISE PLUS TINALAKAY ANG PROGRESS AT PRIORITY PROGRAM PARA SA TRADE FACILITATION
300 PDLs NA MAY DRUG-RELATED CASES INILIPAT NA SA SABLAYAN PRISON