December 26, 2024

Pedicab driver tiklo sa nilarong sa sumpak sa Valenzuela

Swak sa kulungan ang isang pedicab driver matapos mahulihan ng improvised shotgun “Sumpak” sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunations Law) at COMELEC resolution No. 10728 (Resolution banning the Carrying, transporting and possession of Firearms and other Deadly Weapons ang naarestong suspek na kinilalang si Jesson Timalog Wenceslao, 29 ng 12 Power St., Meralco Village, Lias, Marilao Bulacan.

Sa imbestigasyon nina PCpl Reynaldo Cabales at PCpl Almann Bohol, dakong alas-10:30 ng gabi, nagsasagawa ng anti-criminality campaign (Oplan Galugad) sa kahabaan ng Road 2, Lingahan, Brgy., Malanday si PSMS Roberto Santillan ng Valenzuela Police Sub-Station 6, kasama ang mga tanod.

Dito, napansin nila ang suspek na may hawak na improvised shotgun kaya nilapitan siya saka inaresto ni PSMS Santillan at nang hanapan ng kahit anung legalidad na dokumento sa naturang baril ay wala itong naipakita.

Nakumpiska ni PSMS Santillan sa suspek ang isang improvised shotgun at dalawang pirasong bala na 12 gauge shotgun. (JUVY LUCERO)