Nasawi ang isang pedicab driver matapos barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek na kanyang naging pasahero sa loob ng isang sementeryo sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

Kaagad binawian ng buhay sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktima na kinilalang si Jesus Dela Cruz, 27, residente ng Brgy. Santolan.
Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek na mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon matapos ang insidente.
Dakong alas-3:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng Tugatog Public Cemetery, Brgy. Tugatog.
Lumabas sa imbestigasyon, sakay ng biktima sa kanyang minamanehong pedicab ang mga suspek at pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lamang naglabas ng baril ang mga salarin saka pinagbabaril sa ulo si Dela Cruz bago mabilis na nagsitakas.
Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng bala mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril at isang deformed fired bullet habang inaalam pa ang motibo sa krimen. (JUVY LUCERO)
More Stories
VP SARA, HARRY ROQUE, ROBIN PADILLA DUMATING SA ICC
BALLOT PRINTING POSIBLENG MATAPOS NGAYONG MARSO 15 —COMELEC
Vlogger at trolls na nagpapakalat ng fake news hahabulin ng NBI… ROQUE KAKASUHAN MATAPOS MANAWAGAN NG ‘PEOPLE POWER’