Naninindigan si Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar na epektibo ang kampaniya kontra krimen at iligal na droga ng mga alagad ng batas sa panahon ng Administrasyong Duterte.
Sinabi ito ni PGen Eleazar, bilang reaksyon sa naging pahayag ni Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na nagsabing bumuti ang peace and order situation ng bansa sa simula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang Presidente.
“We welcome the statement made by Secretary Andanar. Hindi maipagkakaila ang malaking pagbabago sa peace and order ng ating bansa at ito ay suportado hindi lamang ng aming mga datos sa PNP kung hindi ng public perception ng ating taumbayan dahil nararanasan na nila ito sa nakalipas na limang taon,” wika ni PGen Eleazar.
“The challenge now is how to sustain it and this is the reason why we keep on implementing aggressive reforms and security adjustments to continuously deny criminal elements and other threat groups from preying on our kababayan. The PNP vows to sustain the gains made by this administration in achieving peace and order in the society. Hindi naming ito sasayangin,” dagdag niya.
Base sa sinabi ni Andanar sa kanyang radio program bumaba ang crime volume bansa ng 64% mula nang umupo sa kapangyarihan si Pangulong Duterte, idagdag pa riyan ang pinaigting na kampaniya kontra krimen at iligal na droga na siyang nakapag-ambag dito.
Ayon pa sa PNP na halos karamihan sa mga naitatalang krimen sa bansa ay konektado sa iligal na droga. Napatunayan ito sa naging resulta ng biglaang pagbaba ng antas ng krimen matapos ang sunud-sunod na malawakang operasyon kontra iligal na droga.
Pangako din ni PGen Eleazar na ipagpapatuloy ng kanilang organisasyon ang mandatong protrektahan ang publiko laban sa lumalabag sa batas, lalo at pinaigting din nila ang paglilinis sa kanilang hanay sa ilalim ng Intensified Cleanliness Policy.
Sa datos ng PNP ay meron kabuuang 5,240 na mga pulis ang tinanggal na sa serbisyo mula nang maupo si Pangulong Duterte sa puwesto, 163 sa mga pulis na ito ang natanggal noong buwan ng Mayo 8, kung kailan naupo sa puwesto si PGen Eleazar bilang ika 26th na Chief PNP.
Hinimok din niya ang publiko na makiisa at makipagtulungan sa mga otoridad sa pagpapanatili ng isang mapayapang lipunan na malayo sa anumang karahasan.
“Sa ngayon, hindi lamang peace and order ang aming tinututukan dahil patuloy kaming magiging kabahagi sa layunin ng ating pamahalaan laban sa COVID-19 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso sa mga nakalipas na araw,” pagtatapos ni Eleazar (KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA