
Umangat ang mga kandidato ng PDP-Laban sa pinakabagong survey ng Pulse Asia matapos ang nangyaring pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa resulta ng survey na isinagawa noong Marso 23 hanggang 29, lumalabas na pasok na sa “Magic 12” si SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta na nasa ika-12 hanggang 18 puwesto kasama si Las Pinas Rep. Camille Villar.
Samantala,, nasungkit ni Philip Salvador ang spot sa pagitan ng ika-11 at ika-17 puwesto.
Nangunguna ang long time aide ni Duterte na si Senator Bong Go sa senatorial race, na naungusan si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo. Kapantay na ng kaalyado ni Duterte na si Senator Ronald “Bato” dela Rosa si Tulfo para sa ika-2 at ika-3 posisyon.
Laglag naman sa Magic 12 si Senator Imee Marcos, na nasa ika-13 hanggang 18 puwesto.
Ayon sa Pulse Asia, ang nationwide ay isinagawa randonly sa 2,400 Filipino adults na may margin of error na ±2 percent sa national level.
More Stories
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS