NAKIKIPAG-UGNAYAN na ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para mahanap ang isa sa mga ahente nito na pinaniniwalaang dinukot ng mga taong may kinalaman sa negosyo ng ilegal na droga.
Naglunsad na rin ang PDEA ng isang Task Force na tututok sa paghahanap kay Investigation Agent I Merton Fesway.
Sinabi ni PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar, “Inatasan ko na ang aming CIDG director, Police Maj. Gen. Bert Ferro, na makipag-ugnayan sa PDEA upang alamin kung paano makakatulong ang PNP sa paghahanap kay Investigation Agent I Merton T. Fesway,”
Ayon pa kay PGen Eleazar, “Magkasangga ang PNP at PDEA laban sa mga sindikato ng droga at anumang pag-atake laban sa kahit isang miyembro ng PDEA ay itinituring na rin naming pag-atake sa PNP,”
Base sa ulat ng PDEA, si Fesway ay nakatalaga sa PDEA Regional Office III Pampanga Provincial Office ay naireport ito na nawawala noon pang Hunyo 25 batay sa huling report ay makikipagkita sana ang Pdea agent sa kaniyang impormante bago maireport na ito ay nawawala.
Nanawagan din si PGen Eleazar sa publiko na tumulong sa paghahanap at magbigay ng impormasyon na makapagtuturo sa kinaroroonan ng naturang anti-narcotics agent.
“Makakaasa ang ating mga kapatid sa PDEA na aming pakikipagtulungan upang agad na malutas ang kasong ito,” Pagtatapos ni PGen Eleazar.(KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA