NAKUMPLETO ng Philippine Christian University (PCU) ang dominasyon sa Australian rivals matapos gapiin ang Western Australia squad, 97-62, sa winner-take-all finals para angkinin ang 2nd FiloBasket National championship kamakailan sa Perth, Australia.
Sa pangangasiwa nina dating PBA hotshot coach Biboy Simon at Mark Edison Ordonez, nakamit ng PCU Dolphins ang kampeonato sa impresibong pagwalis sa mga karibal sa four-team, one-round invitational league na inorganisa ng AUBL at AGYBC.
Kinatawan ng Dolphins ang Pilipinas matapos makuha ang National Youth Basketball League (NYBL) Pilipinas 1st John Yap Cup Season 7 Championship na inorganisa ni basketball coach Fernando Arimado.
Ang paglahok ng koponan ay naging posible sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng mga opisyal at sponsor ng PCU na kinabibilangan nina Rev. Rannieh B. Mercado, PCU president Dr. Junifen F. Gauuan, Dr. Margie DG Dela Cruz, Dr. Joselito Dela Cruz, Dr. Mario G . Miranda II, Dr. Ariel D. Pineda, Dr. Russwell G. Gariando, Dr. Putli Martha Beata F. Ijiran, Rosemarie S. Cinco at Samie G. Dizon.
Ang PCU Dolphins ay kinabibilangan nina Castor Troy Manipolo, Christian Austria, Kenneth Obioha, Derek Daluz, Dan Gelo Pascua, Solomon Itam, Wesley Dulay, Llonel Failon, Clinton Mallabo, Jazper Ong, John Mark Bautista, at Hance Ivan Lleva.
Samantala, ang NYBL Nationals ay nakatakdang sumiklab sa Oktubre 4- sa Ynares Sports Arena at Marist School-Marikina gymnasium . Ang mga kalahok na koponan na kumakatawan sa NCR, Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas, at Luzon. (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA