HINIMOK ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang PCSO games, kung saan sinabi nito na malaking bahagi nito ang napupunta sa charity.
Inanunsiyo ng PCSO na mahigit sa P32.2 milyon halaga ng medical assistance na kanilang naipamahagi sa higit 4,000 indigent patients sa bansa.
Sa isang kalatas, nabatid na kabuuang P32,226,21.64 ang naipagkaloob sa may 4,765 pasyente mula Abril 11 hanggang 14, 2023 lamang, sa ilalim ng kanilang Medical Assistance Program (MAP).
Kabilang sa nabiyayaan ng naturang tulong medikal ng PCSO ay ang 513 pasyente mula sa National Capital Region (NCR) na nabigyan ng kabuuang halaga na ₱5,985,992.
Sa Northern at Central Luzon, umaabot sa 1,131 pasyente ang nabiyayaan ng ₱8,434,062.92 na halaga ng tulong medikal habang sa Southern Tagalog at Bicol Region naman, 1,315 pasyente ang nakinabang sa ₱6,355,590.44 halaga ng medical assistance.
Sa Visayas, 844 pasyente ang nabigyan ng ₱5,732,642.57 na halaga ng assistance sa pagpapagamot habang sa Mindanao ay 962 pasyente ang naging benepisyaryo ng ₱5,717,733.71 na tulong medikal. ARSENIO TAN
More Stories
MIAMI HEAT HINDI ITI-TRADE SI JIMMY BUTLER
PRESYO NG MGA BILOG NA PRUTAS NAGMAHAL NA
LOLO DEDO SA SINTURON NI HUDAS; 125 BIKTIMA NG PAPUTOK