
BINALAAN ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez nitong Sabado ang publiko laban sa con artist na nagpapanggap na siya para mag-solicit ng pondo mula sa kanyang mga kasamahan sa trabaho at kaibigan.
“It has come to my attention that someone is impersonating me by using my name, photo, and a fake account to solicit financial assistance from my friends and colleagues,” saad niya sa kanyang post sa Facebook.
Ginamit ng scammer ang kanyang pangalan at gumawa rin ng account sa messaging app para manghingi ng P50,000 sa financial assistance para sa event ng Sangguniang Kabataan sa Zambales.
“Please be aware that this is a scam! Do not engage with this account or provide any personal information. Thank you for your vigilance!” ayon kay Chavez.
More Stories
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
VP SARA SUMIPOT SA DOJ PARA SAGUTIN ANG REKLAMO SA BANTA SA MGA MARCOS