November 5, 2024

PCG, naka-heightened alert ngayong Kapaskuhan

Sa pagtatpos na oath-taking ceremony ng 851 Coast Guard draftees, Auxiliary, inihayag ni CG Admiral Artemio M Abu na naghahanda ang PCG base na rin sa ipinatutupad na seguridadsa ilalim ng pangangasiwa ng DOTR- Oplan Biyaheng Ayos Pasko 2022.

Kung saan Ibinahagi ni Commandant Admiral Abu, na ang mga yunit ng mga Coast Guard ay nakataas na sa heightened alert, sa kasalukuyan upang matiyak ang kaligtasan sa mga karagatang sakop ng Ating Bansa kasama na ang mga Port o Daungan, Airport, Buses, at iba pang Serbisyo sa Paglalakbay.

Patuloy din ang pagpapaalala ni Admiral Abu, sa mga tauhan ng PCG, mga mangingisda at tripulante ng barko na sundin ang mga regulasyon sa paglalakbay sa dagat upang magbigay ng komportable, ligtas, at maginhawang serbisyo sa transportasyon sa riding public.

Aabot sa 25k strong CG security Personel ang siyang Magbabantay bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga babiyahe o maglalakabay patungo sa kani-kanilang mga uuwian na  mga lalawigan para gunitain ang diwa ng kapaskuhan.

Ipatutupad naman ang Full Hightened Alert sa mga Pantalan ng PCG simula sa a-bente ng disyembre taong kasalukuyan 2022 hanggang sa a-4 ng enero ng taong 2023.

Kabilang sa Ilalagay sa mga Pantalan ang Helpdesk at mga Gabay sa Paglalakabay, at Pagsakay, tatauhan naman ito ng PCG-Auxiliary at mga official Personel, kasabay ng papakalat at pag-dedeploy ng mga K9 unit kontra sa posibleng, mailusot na mga kontrabando, kabilang na ang iba’t-ibang illegal na uri ng droga, at paputok na siya namang ipinagbabawal ngayong kapaskuhan.

Pinaalalahanan naman ng PCG Commandant Admiral Abu, ang mga magtutungo sa pantalan na mga Pasahero na maagang planuhin ang kanilang mga biyahe ngayong papalapit ang Kapaskuhan.