November 23, 2024

PBEd suportado ang pagbuo ng Cabinet Cluster for Education

SUPORTADO ng Philippine Business for Education (PBEd) ang pagbuo ng Cabinet Cluster for Education upang matiyak ang coordinated movements sa loob ng education system.

“This comes at an opportune and critical time as we continue to grapple with the learning crisis. The need for an interrelated, whole-of-nation approach to education involving DepEd, TESDA, CHED, and other government agencies has never been more urgent, as we work to bridge the gaps from basic education to employability,” ayon sa PBEd.

Naniniwala rin sila na itong Cabinet Cluster at ang pagtalaga sa education czar ay maaring magtakda ng mosyon para sa much-needed long-term vision at plano para sa edukasyon at human capital development sa bansa.

“In the course of implementation, we hope that the Cabinet Cluster will be anchored on making data-driven decisions on education, guided by independent assessment mechanisms,” dagdag pa ng PBEd.

Handa rin silang makipagtulungan sa pagsisikap na ito,dahil ang edukasyon ang kanilang prayoridad para sa kinabukasan ng mga kabataan at ng bansa.