January 23, 2025

PBBM, tinablang maging miyembro ang Pilipinas ng ICC

Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos patungkol sa pagtindig ng Pilipinas upang maging miyembro ng International Criminal Court (ICC). Tinabla ni PBBM na maging miyembro ng nasabing organisasyon.

Sa ganang atin, tama ang ginawang ito ng pangulo. Wala naman talaga sa hulog itong ICC. Masyadong ma-epal at nakikialam sa panloob na isyu ng bansa. Partikular na sa drug war noon ng dating pangulong Duterte. Pinalalabas ng mga sumbungera, mga Marites at sulsulerang kasapakat ng mga ito, na ang bawat napapaslang ay may kaugnayan sa drug war.

Na basta na lang pinapatay kuno kapag napaghinalaang pusher o durugista. Kinakampihan ng mga politikong humihimod sa maruming sapatos nila ang mga anyo na ito ng masa na kalawang sa lipunan. Hindi kaayusan ng bansa ang gusto nila. Kundi manira at manaitling magulo upang makontrol nila. Di ba, kaya nga 31 milyong Pilipino ang nagising na sa kalokohang ito.

Alam naman na ng karamihan na political motivation lang ito. Ano bang pakialam nila sa bakuran ng iba? Pero,kapag inosenteng tao ang napapatay ng mga kalawang na ito, kinakampihan nila. Kasi, alam na nila ang mangyayari sa mga ito.

Nakaka-insulto ang pakikialam ng ICC sa ating jurisdiction. Na ang may sarili tayong imbestigasyon sa drug war at bahagi ito ng justice system sa bansa. Pero, heto sila, balak pang kasuhan ang dating pangulong Duterte sa korteng kung tutuusi’y ay sarsuwela lang. Na ginawang mapangyarihan ng mga makapangyarihan. Pwe!

Pero, sa kanilabg bakuran, di nila malinis-linis. Sa atin may police operation laban sa mga criminal at salot sa lipunan. Sa kanila, operayong pumatay ng ganun-ganun lang ng kanilang mamamayan. Sila ang nagrereklamo sa drug war campaign, gayung ang masang Pilipino ay tuwang-tuwa.

Kasi nga, ‘ sa bawat masasamang taong napapatay, nababawasan ang inosenteng biktima.” Pero, hindi natin talagang layun ang gayun. Kung talagang kagipitan na, hindi maiiwasan ang maglikida lalo na’t buhay ng inosente ang nanganganib at yan ang ‘rule of life’.

Kahit itong nangrereklamong mga bansa ay lumalabas na hindi rin pala miyembro ng kalokohang itinatag nila. Mga barubal! Mga bakero! So, anong dahilan nyo para mangialam at manghimasok sa sistema ng bayan kong mahal?!