January 24, 2025

PBBM: SUBWAY SAGOT SA “KILABOT” NA TRAPIK SA METRO MANILA

Determinado ang pamahalaan na isulong ang “key railway projects” para tugunan ang “terrible stories” hinggil sa kakulangan ng quality time para sa maraming Filipino bunsod ng traffic congestion.

Ipinahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang paglagda sa Metro Manila Subway Project (MMSP) Contract Packages 102 at 103 sa Palasyo ng Malakanyang.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na nakikita nito na may magagawa ang proyekto na mabawasan ang “terrible stories” na naririnig niya mula sa mga taong late na kung makauwi ng bahay dahil sa matinding trapiko.

“We will reduce the terrible stories that we hear of people who no longer see their children because they come home at 1:30 in the morning and the children are asleep,” wika ni Marcos.

“They have to wake up at four o’clock in the morning to get back on the bus to fight with the traffic coming back to work. And that the subway and all our public transport systems will be able to help and to remedy,” aniya.

Isinusulong din aniya ng kanyang administrasyon ang iba pang key railway projects gaya ng Metro Rail Transit (MRT)-7, Light Rail Transit (LRT)-1 Cavite Extension, at Philippine National Railway (PNR) Clark Phases 1 at 2, upang ang rail transit system ng bansa ay magiging mabuting mapagpipilian ng mga mananakay.

“We owe it to the Filipino people to build major roads and critical infrastructure that will not only spur progress and social change but also promote inter-connectivity, ease traffic, and reduce their travel time,” lahad pa ng Punong Ehekutibo.

Inimbitahan ng Pangulo ang mga ito na maayos na makipagtulungan sa gobyerno tungo sa maayos at maaasahang transportasyon.

“Let me assure you that the government remains dedicated to maximizing its resources to pursue even more ambitious endeavors that will bring comfort and progress to Filipinos all over the country,” pahayag ni Marcos.

Sa oras aniya na makompleto na, inaasahan na sa pamamagitan ng MMSP ay mababawasan ang travel time sa pagitan ng Quezon City at Pasay City mula sa isang oras at kalahating minuto ay magiging 35 minuto at sinasabing mapakikinabangan ng mahigit kalahating milyong pasahero kada araw mula Valenzuela City hanggang Parañaque City. Nakikita rin na makalilikha ito ng milyong trabaho at oportunidad para sa mga Filipino.