Tiniyak ng Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation at Puerto Princesa City na isang natatanging kaganapan at di malilimutàng tagumpay ang lalargang 2024 ICF Dragonboat World Championships na sasagwan mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 4 .
Bibigyang ningning ni Pangulong Bongbong Marcos kaagapay sina Senator Francis ‘ Tol Tolentino ang makulay na pambungad seremonya sa Lunes (Oktubre 28) sa sikat sa mundong Lungsod ng Puerto Princesa.
Ipinahayag ni PCKDF president Len Escollante na ang prestihiyosong pang-mundong kampeonato sa dragonboat ay kauna-unahan sa isang Southeast Asian country na magiģing punong-abala na umakit ng competitors mula 26 countries at may dalawa pang bansa àng hahabol paŕa lumahok.
Ang kaganapan ay magsisilbing qualifying para sa World Games sa China sa susunod na taong 2025.
“The paddlers alone, we expect over 1,500. Then we have other delegates. They are all excited to come here because they know that aside from the competition, there will be other things to do in Puerto Princesa and Palawan.,” wika ni Escollante nang dumalo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) sa Rizal Memorial Sports Complex.
“This will also be good for our tourism,” ani pa Escollante, na binigyang tampok ang pagdating ng mga top paddlers mula powerhouse countries sa Europe tulad ng Czech Republic, Hungary, Ukraine at Russia ,at China mula Asia .
Ilalahok ng Pilipinas ang pinakamalalakas at mahuhusay na paddlers nito sa kanilang kauna-unahang pagsabak sa world event mula pa noong 2018 kung zaan ay nag-uwi ang Pinoy paddlers ng 5 golds, 2 silvers at 1 bronze na nasagwan sa Atlanta, Georgia.
Kabuuang 54 gold medals ang paģtutunggalian sa 200m, 500m at 2,000m races.
Nagpasalamat si Escollante kay Puerto Princesa Mayor Lucindo Bayron at sa Philippine Sports Commission sa kanilàng todo-suporta . ng mga bansang may malalaking delegasyon ay kinabibilangan ng
India na may 150, Thailand at Iran na may 80 bawat isa at ang host Pipinas ay may 200.
“Malakas tayo dito because our paddlers are young and at their peak,” iin ni Escollante, dating paddler at ex- volleyball player sa forum na itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, and the country’s 24/7 sports app ArenaPlus. (DANNY SIMON)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA