December 25, 2024

PBBM PINILI SI RETIRED UP PROFESSOR BILANG NATIONAL SECURITY ADVISER

Pinili ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si retired University of the Philippines (UP) Professor Clarita Carlos bilang susunod na National Security Adviser.

Si Carlos ang kauna-unahang babae na hahawak sa nasabing posisyon na kasalukuyang hawak ni Sec. Hermogenes Esperon.

Ang retiradong propesor ay nagturo sa UP ng ilang dekada at naging kauna-unahan ding civilian president ng National Defense College of the Philippines.

Naging consultant din si Carlos sa kongreso at sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Siya rin ang executive director ng StratSearch Foundation Inc.Ilang libro din ang isinulat nito tungkol sa politika, eleksyon, defense and security at foreign policy.

Kaya naman kumpiyansa ang mga tagasuporta ni Carlos na magagampanan ng dating propesor ang kanyang tungkulin.

Samantala ay binati naman ni Rep. Sandro Marcos si Carlos.

“Congratulations to our new National Security Adviser Prof. Clarita Carlos! It was an honor meeting you earlier ma’am. To having many more engaging conversations on policy and the state of geopolitics,” sabi ng susunod na presidential son.

Matatandaan na kamakailan lang ay naging biktima si Carlos ng ‘cancel culture’ matapos siyang alisin sa roster ng mga regular faculty members ng UP Political Science Department.

“Ayaw ko namang sumikat. Dito lang ako sa university. Kaya lang talagang sobrang sakit ng loob ko na mantakin mo 56 years mong binubuno iyong mundo, iyong department, etc.. through sheer hard work and perseverance,” ani Carlos. “Tinatatag mo iyong pangalan mo ng 56 years, tapos buburahin lang nitong mga bata na ‘to? ‘Diba ang sakit sa damdamin,” dagdag niya pa.