MAYNILA – Manunumpa bilang ika-17 chief executive ng Pilipinas si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa makasaysayang National Museum sa Hunyo 30, 2022.
Ayon kay Presidential Management Staff (PMS) Secretary-designate Zenaida Angping, nag-inspeksyon na ang mga miyembro ng inaugural committee sa lugar at nakumpirma na naaangkop na venue ang National Museum.
“The National Museum of Philippines building and its surrounding areas match our requirements for President-elect Marcos’ inauguration. Preparations are already in full swing to ensure that it will be ready by then,” ani Angping.
Idinisenyo ang museo ng Bureau of Public Works noong 1918 bilang National Library of the Philippines at natapos noong 1926.
Taon 1935, iprinoklama ang Philippine Commonwealth sa naturang museo, na kinilala ng National Assembly Building, bago nawasak sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at muling inayos noong 1950. Una nang ikinunsidera, ayon pa kay Angping, ang Quirino Grandstand, ngunit sa tapat nito ay nakatayo pa ang Manila COVID 19 Field Hospital.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR