December 25, 2024

PBBM KINILALA ANG KONTRIBUSYON NG MGA OFW SA INDONESIA

Kasama sa unang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang economic team (mula kaliwa pakanan) — Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla, Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, Finance Secretary Benjamin Diokno at National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan.

KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos ang kontribusyon ng ating mga kababayan sa Indonesia sa isang community gathering sa Fairmont Jakarta Hotel kahapon.

“I, together with the Cabinet members, are fully committed to making sure that every Filipino’s economic, social, and cultural potential are fully realized in our own country,” saad ng Punong Ehuktibo sa Filipino community.

Pinasalamatan din nito Filipino community sa Indonesia dahil sa kanilang pagmamahal sa bansa at sa kanilang sakripisyo.

Tinawag rin niya ang mga ito na “ambassadors of goodwill” ng Pilipinas sa Indonesia.

 “Taos puso akong nagpapasalamat sa inyo dahil sa inyong pagmamahal sa bayan, sa inyong sakripisyo para sa inyong mga pamilya, para sa inyong minamahal na Pilipinas,” ayon kay Marcos.

“Kayo ngayon ay naging ambassador of goodwill na ng Pilipinas dito sa Indonesia kaya naman kami ay magpapasalamat din at dito sa Indonesia napakaganda ang pangalan ng Pilipino sa inyong mga kasama dito,” dagdag niya.