December 21, 2024

PBBM ISINUSULONG MARITIME AGREEMENT SA VIETNAM

LOOKING forward si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lumagda ng isang kasunduan sa Vietnam para palakasin ang maritime cooperation sa West Philippine Sea.

Sa pakikipagpulong kay outgoing Vietnam Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng maritime cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

“Now that we are going to start discussions on the agreement that we have between the Philippines and Vietnam, I think it is a very, very important – it will be a very, very important part of our relationship and it will bring an element of stability to the problems that we are seeing now in the South China Sea,” ayon sa Pangulo.

Para sa Punong Ehekutibo,  ito’y magiging “good, solid agreement” na kapaki-pakinabang ng Pilipinas at Vietnam.

Nagbigay ng farewell call si Ching kay Pangulong Marcos kahapon, ilang taon matapos siyang italaga bilang Ambassador of Vietnam to the Philippines noong Hunyo 19, 2020. Nagsilbi rin siya bilang deputy director general ng Department of Maritime Affairs mula 2017 hanggang 2019, at iba pang posisyon.

Pinasalamatan ni Marcos ang ambassador dahil sa puspusang pagsisikap nito  kung saan biniyang-diin nito na ang nasabing kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam ay mapagtatanto sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Para naman kay Chung, sinabi nito na ipinaaabot ni Vietnam President Vo Van Thuong  ang pasasalamat nito kay Pangulong Marcos at sa gobyerno ng Pilipinas na nakatrabaho ng kanyang bansa lalo na sa kanilang common interest sa West Philippine Sea (WPS) at mapigilan ang anumang insidente sa Philippine waters sa hinaharap.

“And President, Vietnam, we have very respect for your thought that you are a friend to all, none enemy,” ang sinabi ni Chung kay Pangulong Marcos.