NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., kay former Prime Minister Anthony Charles Lynton Blair ng United Kingdom sa New York.
Si dating UK Prime Minister ay kasalukuyang Executive Chairman ng Tony Blair Institute For Global Change.
Sa isang post inilahad ni Pangulong Marcos na kabilang sa kanilang natalakay ay ang proseso ng kapayapaan sa Bangsamaro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) at mga kongkretong paraan upang matugunan ang iba pang priyoridad na isyu sa pandaigdigang ekonomiya tulad ng food security, climate action, at kalakalan.
Samantala sa hiwalay na aktibidad, nakipagpulong din si Pangulong Marcos Jr. sa mga opisyal ng kumpanyang Cargill sa Rosewood Hotel sa New York.
Ang Cargill ay isang American global food corporation na nag-ooperate sa loob ng 155 taon kung saan nagsusuplay ito ng mga agricultural products, farming services at risk management solutions sa buong mundo.
Sa ngayon, mayroon itong humigit-kumulang 155,000 empleyado na naglilingkod sa mga customer at komunidad sa mahigit 70 bansa/rehiyon sa pamamagitan ng ligtas, responsable at napapanatiling paraan.
Isinagawa ang pulong matapos ang talumpati ni Marcos sa UN General Assembly kung saan binigyan diin nito ang kahalagahan ng agrikultura at food security.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI