November 19, 2024

PBBM AT ROBREDO, NAGKITA SA SORSOGON NAGKAAYOS NA?

NAGKITA sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Leni Robredo sa Sorsogon.

Sa isang video, makikitang kinamayan ni Marcos si Robredo at dating Senator Bam Aquino sa holding area ng venue.

Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, inimbitahan niya si Robredo para i-welcome si Marcos sa ngalan ng Bicol Region.

Nagsilbi si Escudero bilang gobernador ng Sorsogon 2019 hanggang 2022 at sinimulan ang pagpapatayo sa bagong arena.

Ayon kay Communications Secretary Cesar Chavez, na dumalo rin sa nasabing event, malugod na tinanggap ni Robredo ang Pangulo sa entrance ng venue.

“She welcomed the President at the entrance of the sports arena. Katabi ni former VP Leni si former Sen. Bam Aquino sa pag-welcome kay PBBM,” aniya.

Matatandaan na tinalo ni Robredo si Marcos sa 2016 vice presidential race.

Matapos ang anim na taon, muling nagtuos ang dalawa para naman sa 2022 presidential elections at pagkakataon ito ay nanalo si Marcos para italaga bilang ika-17th Pangulo ng Republika ng Pilpinas.

Ito ang unang pagkakataon na nakitang magkasama ang dalawa sa publiko matapos ang 2022 polls.

Sa isang media interview matapos ang programa, sinabi ni Escudero na dapat kasama si Robredo ni Marcos at iba pang opisyal sa stage.

Gayunpaman, kinailangan ng dating vice president na umalis dahil mayroon pa itong ibang appointment sa Naga City kung saan tumatakbo siyang alkalde.

Sa kabila ng kanilang panandaliang pagkikita, sinabi ni Marcos na umaasa siya na ito na ang simula ng paghihilom para kina Marcos at Robredo.

“Tingin ko ito ay unang hakbang tungo nga sa, ika nga, paghilom ng mga sugat, ano mang hindi pagkakaunawaan dahil alalahanin nyo – anumang debate o pagkakaiba natin ng pananaw ay pulitikal, hindi personal,” aniya.

“So mas madaling maghilom yun. Mas madaling maayos siguro yun kesa.”