January 23, 2025

PBBM, ABALOS INISPEKSYON NASABAT NA P13.3-B SHABU

ININSPEKSYON nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Department of Interior and Local Government (DILG) ang tinatayang nasa P13.3 bilyon halaga ng shabu na nasabat kamakailan lang sa barangay Pinagkrusan, Alitagtag, Batangas.

Nakumpiska ang nasabing illegal na droga matapos sitahin ang isang van sa intelligence driven checkpoint kahapon, sa pangunguna ni Police Captain Luis De Luna.

Ayon kay DILG Secretart Abalos, ito ang pinakamalaking droga na nasabat sa isang single operation sa kasaysayan ng anti-illegal drugs campaign sa bansa.

Matapos ang pagkakasamsam, kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency, na positibo sa metamphetamine hydrochloride o shabu ang tinatayang nasa dalawang tonelada na nakumpiska na illegal na droga.

On the spot din binigyan ng promosyon ng DILG Secretary si Police Captain De Luna dahil sa kanyang mahusay na trabaho sa pagsasagawa ng nasabing operasyon.

Sinabi din niya na nasa kustodiya na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang nahuling suspek na siyang driver ng van at kakasuhan dahil sa paglabag sa Sections 5 and 11 of Article 2 of Republic Act (RA) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.