
Bubuslo na ang PBA Season 47 sa pormal na opening ceremony nito sa Linggo, June 5, 2022. Tampok sa opening ang mga irarampang muse ng bawat PBA teams. Kung saan, kinabibilangan ito ng mga artista, atleta, models at mga beauty queens.
Pambato ng Brgy Ginebra ang bagong ‘Crush ng Bayan’ na si AJ Raval. Ibabandera naman ng bagong bihis na Magnolia Timplados si Miss Philippines Tourism Michelle Dee.
Si 2019 Binibining Pilipinas 2nd runner up Samantha Bernardo naman ang pato ng Blackwater Elite. Irarampa naman ng San Miguel Beermen ang model na si Ksenia Grondetska.
Ilalatag naman ng new team na Converge si Miss Philippines 2021 runner-up Maureen Wroblewitz. Kinuha naman ng Meralco Bolts si 31st SEA Games Triathlete Kim Mangrobang. Habang ang atorney Bea Patricia ‘ Patch’ de Guzman Magtanong ang ibibida ng NLEX Road Warriors.
More Stories
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
Mandaluyong Invitational tourney… ‘MIGHTY 9’ NG GSF RAVEN TANAY SIKARAN
LOUIE SALVADOR NG ‘PINAS NAGHARI SA FIDE-RATED CHESS TILT SA THAILAND