January 23, 2025

PBA season 45, balik aksyon na sa Oktubre pagkatapos payagan ng IATF

Tiyak na matutuwa ang PBA fans sa muling pagbabalik askyon ng liga sa October. Nabigyan na kasi ng go signal ang IATF ang PBA na mag-resume.

Kaya naman, tuloy ang ika-45 season ng liga sa October 9 sa Clark, Pampanga. Idaraos ang torneo via bubble type kagaya ng sa NBA.

Katunayan, rerekta nba sa bubble next week ang mga players at coaches. Kung saan, ang 12 team ay hinati sa 2 batch.

Ang unang batch ay pupunta sa Clark sa September 28 at September 29 naman ang ikalawa.

Lahat ng teams ay dumaan sa swab testing. Muli silang isasailalim sa testing kapag nakarating na sa Clark.

Kapag lumabas na negative ang result, ikakasa ang 5-on-5 scrimmage sa pinayagan ng IATF. Ang scrimmage at games ay  gagawin sa  Angeles University Foundation Sports and Cultural Center.

Kaya naman, masaya ang mga taga-PBA lalo na si Commissioner Willie Marcial. Gayundin si PBA Chairman Ricky Vargas.

 “We are ready, the players are ready to go, and it’s all now in the hands of the Commissioner to see this executed to perfection,” pahayag ni Vargas.

“There will be a very strict protocol for the bubble,” sabi pa ni Dizon na siya ring Presidential Adviser on Flagship Programs. “All the activities of the PBA — the scrimmages, the practices, the games — will be held inside the bubble.”