December 24, 2024

PBA RESUME SA PEBRERO, TULOY NA

Walang dapat ikabahala ang PBA sa balak na pagresume ng liga sa Pebrero. Kung nasusunod naman ang panuntunan ng kinauukulan.
Natengga ang mga laro bunsod ng muling pagtaas ng COVID cases. Inaalala lang ng PBA ang magiging epekto nito. Ngayon, kung nailatag na ang mga plataporma, tuloy na muli ang bakbakan sa court. lalo na’t dumaan ang mga players, coaches at staff sa vaccination.
Kagaya lang ng nakaraang taon, okay ang bubble set-up. Masasabi natin, makakaalagwa ang mga laro. Sure ‘yan dahil inilagay na sa Alert Level 2 ang NCR.
Pehadong gigil na ang mga players na muling maglaro. Matagal na kasi silang natengga. Hintayin na lang natin ang muling pagbuslo ng liga sa susunod na buwan.

Balik action din ang Premier Volleyball League (PVL) sa Pebrero. Sisimulan na nga nito ang Open Conference via bubble set-up din. Magandang oportunidad ito para makausad ang liga. Gaya nga ng sinabi natin, samantalahin ang unti-unting pag-inam ng sitwasyon.

Muling mapapanood ng kanilang mga taga-hanga ang kanilang favorite volleybelles. Kaya, tama lang ang ginawang hakbang ng mga nasa likod nito. Para di maburo ang mga manlalaro. Marahil may nagtatanong, sino ba ang manok kong team sa PVL?

Buweno, apat ‘e. Ito yung Creamline, Choco Mucho, PLDT saka F2 Logistics. Yun na!