
Nagagalak ang Manila Electric Railroad and Light Company (Meralco) matapos gumawa ng kasaysayan ang Meralco Bolts nang masungkit nito ang kauna-unahang kampeonato sa PBA nang tapusin ang serye kontra sa San Miguel Beermen sa Game 6 ng 2024 PBA Philippine Cup nitong Linggo.
“We are proud of you, Bolts!” saad ng naturang kompanya.
“Deserve,” reaksyon naman ng mga fans ng Meralco Bolts matapos ang 14 taong paglalaro ng kanilang prangkisa sa liga ng PBA, matapos makatikim ng unang kampeonato.
Tinalo ng Bolts ang San Miguel sa Game 6 sa final score na 80-78, nang sumablay ang 3 pointer shot ni Jun Mar Fajardo para maitabla ang laban sa natitirang huling segundo sa 4th quarter sa Smart Araneta Coliseum.
Si Chris Newsome ang naging finals Most Valuable Player (MVP). (RON TOLENTINO)
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN