Nagpositibo si PBA legend at Bulakan Mayor Vergel Meneses sa COVID-19 disease. Katunayan, nagpost ng video ang 51-anyos at former PBA MVP sa Facebook kaugnay sa kanyang kondisyon.
Kaya naman, ikinalungkit ito ng kanyang mga taga-hanga’t supporters. Ayon sa binansagang ‘The Aerial Voyager’, tinamaan siya ng virus nang magsagawa ng pagdadalaw sa kanyang mga constituents.
Sa gayun ay makamusta sila sapol nang pumalo ang pandemya noong Marso. Gayundin, upang maabutan ng serbisyo’t ayuda.
Noong Huwebes, sinabi ni Meneses na sumailalim siya sa RT-PCR test ay lumabas na positibo siya. Asymtomatic siya at kasalukuyang nasa self-isolation.
“Sa kabila na ako po ay sports enthusiast at di nagpapabaya sa exercise at iba pang prevention, dumapo [pa rin] ang sakit na ito.”
“Walang matanda or bata, mahirap or mayaman, official man o simpleng mamamayan, walang pinapalampas na mabibiktima ang virus,” aniya.
Inutos ni Mayor Meneses na isara muna ang kanyang opisina para isailalim sa disinfection. Muli toing bubuksan sa Lunes.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!