
Plano ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na gawin ang finals ng liga sa NCR. Ayon kay league Komisyuner Willie Marcial, balak nila itong idaos sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
” Yung finals ng PBA Philippine Cup, pwede nating gawin yan sa NCR. Titingnan pa natin ang sitwasyon. Kapag mababa na talaga ang risks ng virus, pwede na,” aniya.
” Pero, hihiling pa tayo ng approval sa IATF sa local government ng Pasig. Kung papayagan, go tayo,” aniya.
Kumpiyansa naman ang pamunuan ng liga na pahihintulutan ng kinauukulan ang kanilang hiling. Lalo na’t bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa NCR.
Sa ngayon ay isinasagawa ang PBA Philippine Cup semifinals sa Bacolor, Pampanga. Kung saan, 4 na teams ang nagpupukpukan para sa torneo.
More Stories
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt