November 3, 2024

PBA, DUDULOG SA PALASYO PARA SA OPENING NG LIGA

Bago ang pagbubukas ng PBA season, dapat na bumaba ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa. Ito ang sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial sa isinagawang meeting.
PBA meeting kasama sina Sen Bong kaugnay sa pagbubukas ng PBA.

Bago ang pagbubukas ng PBA, dapat na bumaba ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
Ito ang sinabi ni Commissioner Willie Marcial sa isinagawang meeting.

Kasama sa isinagawang pulong sina San Miguel Corporation sports director Alfrancis Chua. Gayundin si Executive Secretary Salvador Medialdea at Senador Bong Go.

Ayon kay Marcial, sinabi nina Sen Go at Medialdea na dapat bumaba ang active COVID-19 cases. Lalo na sa NCR Plus area bago simulan ang diskusyon.

An diskusyon ay tungol sa kung papaano simulan ang 46th season.

“Ang sinasabi nila, ‘Maski na na-vaccine na tayo, kung hindi bababa yung cases, hindi pa rin matutuloy ang laro,’ ani Marcial.

Lapag patuloy pang lumobo ang kaso, maantala na naman ang pagbubukas ng new season.

“Ang tanong dyan, kahit na sinusunod natin ang health protocols, papayagan ba tayo?” saad naman ni Chua.


Gayunman, sinabi ni Marcial na pwedeng umapela ang liga sa Inter-Agency Task Orce. Kung saan, papayagan ang liga na magsawaga ng scrimmages pagkatapos ng MECQ.

“Meron tayong appeal sa task force. Nagbigay kami ng sulat kay ES Medialdea na kung pwede tayong magsimula na ng scrimmages after MECQ.”

Sinabi rin ng PBA kumisyuner na dudulog sila sa Palasyo para maikasa na ang laro. Kasama aniya niyang magtutungo roon si Chua, Board Chairman Ricky Vargas at vice chairman Bobby Rosales.

Target ng lga na simulan ang season 46 sa huling linggo ng May. O kaya naman sa buwan ng June. Sa ngayon, tinatawagan ni Marcial ang mga fans na tumulong sa pagpabababa ng kaso ng virus.

“Magtulung-tulong tayo para sa ating bansa na mapababa natin ang cases,” aniya.